Note: Cleaning up my drafts again..more finished and unfinished post to come :-) Nanaginip ako kagabi, tinatanong ko daw kung “kelan ang graduation? ” . Hindi ko na maalala kung sino yung mga tinanong ko, mukhang mga kaklase ko ata nung college at hindi ko na rin maalala kung nasagot nila ako. Siguro dahil sa ang Marso ay buwan ng pagtatapos kaya ko naisip yun. Marami kasi akong nakitang mga mag-aaral na naka-toga at may sabit pa na orchids at mga kung ano pang pampakati na halaman sa leeg Pero pagkagising ko kanina andun pa rin yung tanong sa isip ko. Naalala ko tuloy na 6 years na pala akong graduate sa college. Putek ang tanda ko na! Ito na yung “How do you see yourself 5 years from now?” moment, plus 1 year na nga. This is it! Naisip ko tuloy yung sinabi nung guro namin nung college, habang ako ay nasa silid aralan , nakaupo sa silya, nagsuslat sa kuwaderno ng mga takdang aralin na nakasulat sa pisara(sa wakas naggamit ko rin ang mga words na yun) , sabi niya na pag-IE ka pa rin after 5 years ibig sabihin hindi ka successful. Dapat daw manager ka na o may sarili ng negosyo. Naku patay, paano ngayon to ma’am? IE pa rin ako? Porlayp na ata to. Ibig bang sabihin nito, isa akong malaking kabiguan? Palipat-lipat kc ako ng trabaho kaya ayun lagi akong nagsisimula sa umpisa. Walang continuum kumbaga. Pero, subali’t, datapwa’t…hindi ko pinag-sisihan ang mga naging desisyon sa trabaho o buhay in general. Masaya naman ako kung saan ako ngayon. Wala talaga akong balak na maging CEO o umangat talaga sa corporate ladder. Takot ako sa heights! Kung mangyari man yun, salamat pero di ko talaga kinakarir yun. Wala talaga akong balak na karirin ang karir ko . Pero balik dun sa tanong, kelan ako gagraduate. Hanggang kelan nga ba ako magtatrabaho? Di ko maisip sarili ko na magtatrabaho hanggag sa maging senior citizen na ako. Balak ko magkaroon ng negosyo balang araw. O magka-asawa ng milyonaryo o maging isang superhero. Siyempre nonsense na naman. Pero napaisip talaga ako sa tanong….. at nag-iisip pa rin ako hanggang ngayon … |
December 25, 2007
Kelan ba ang Graduation?
Posted by Raine at 10:21 PM
Labels: General Gibberish
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 retrospection:
May balak ka yatang mag PhD eh. Pero ang buhay, isang mahabang pag-aaral yan. Kaya di ka talaga gragradweyt unless, um, alam mo na.
Maligayang Pasko!
@abaniko:phD? di naman...Happy new year :-)
Hahayy, wala pa ako title sa masteral ko. hirap mag gawa ng title ah!
@marco:hala ka! hehehe kaya mo yan marco...it will just come to you but better research na on what would be a good title ...ok yung in line sa interest mo :-)
Post a Comment